Category Archives: Guest Posts

The March is just the Beginning

Standard

[Guest post! This is an account of the Changed March, which happened last August 27, written by my disciple Danielle Isaac. Danielle is a freshmen Journalism student at the University of the Philippines Diliman.]

Seeing people gather to campaign a message – with placards, shirts, and everything – always make me feel tense. Most of the time, these people gather to advocate their cause, to let their voice be heard, to struggle for change.

IMG_5049Who would have thought that Christians, who people think are passive in the community, would do the same? To see Christians united for God’s cause changed me.

People in white, black, blue, green, yellow, and red shirts were all over the steps of the famous Palma Hall, more known as AS. I sat and observed. They seemed to catch the eyes of other bystanders. I wondered if people thought we were going to rally – a common sight, especially in this venue. Some kept their eyes on us, some looked away.

I saw our number grow with people from other orgs. There were a lot of faces I didn’t know, but they all wore smiles, hope, and laughter. Still, I couldn’t help but feel tense. What would people think of this campaign? It was hard not to get nervous.

The songs, prayer requests, and schedules were given away. The placards danced in the people’s hands, and people waved to their friends. In a few moments, we descended the AS steps and formed lines on the road’s bike lane.

Then in a few minutes, God’s warriors headed off.

The March

It was totally strange for me to do a “march”, however peaceful it would be. I could feel plenty of eyes on us, and it felt uneasy. But then I looked to the other people I was marching with. They sang their hearts out and kept their heads held high.  I felt like a worm inside my cocoon, watching the rest fly free. I desperately wanted to be like the rest of them, so I prayed.

We made our first stop in front of Quezon Hall. People gathered in a semicircle around the speakers. They called on the participants from the Students of Destiny org to lead the first song and prayer. They were amazing people; I felt their love for what they were doing. They led us into a song — The Anthem. Everyone repeatedly sang the chorus with conviction:

“I am royalty

I have destiny

I have been set free

IMG_5137

Praying for Eng’g

I’m gonna shape history”

Then we prayed for the university, its staff, professors, and students. Most of the people went in pairs, but I was alone. I’ve never seen students pray with so much passion. Some cried out their requests; others simply talked.

I remained silent.

We continued to Melchor Hall, singing The Anthem’s chorus once again. It took me a while to notice, but I felt myself changing, smiling and laughing in the presence of people I don’t know, but I know share the same heart for God with me.

We stopped in front of our destination. Melchor Hall, otherwise known as Eng’g, was alive with students. It was a good time for us to be seen. A few passersby smiled at us. People from my org, CCC, sang another song, and led the second set of prayer requests. We faced the Eng’g building and prayed for their students as well. People also reached out to God their cries for Him to strengthen His own ministries.

The Grand Stand at the Grandstand

IMG_5067Despite our small number (we were only about a hundred), I realized how God unites people from different backgrounds to forward His Kingdom. We may not know each other, but we were bound by the Holy Spirit in those moments of prayer – and the event itself.

I prayed that we not only increase in number next time, but also strengthen in bond. Nobody seemed to notice the passing of time.

People either sang, or blessed the colleges we passed through while walking. But we all had something in common, we were all happy. I was happy. It was a cloudy afternoon, hinting rain.

The Grandstand witnessed our final hymn, Mighty to Save, and the gladness I felt when everybody sang it.

I really don’t know how I’ll describe that gladness, but it was all over me. I usually worshiped quietly, but the company of God’s people encouraged me to sing out loud.

When the rain finally poured, it seemed like the rain was joining our song of praise.

We got to the last batch of prayer requests, and I was surprised at what they were about. Fueled by my passion for justice, I became excited to pray these prayers.  I had two other people with me, and for the first time ever, I prayed out loud. I clenched my fists, cried to the air, and put out my whole self for God.

It’s amazing how God can change the way you do things even in just a matter of minutes. In a single place. With people you barely know. Although I cannot hear what everyone was saying individually, I knew that there was a connection between every one of us. Christians are not only Christians, they are also citizens, and in our case, also students. We, changed by God, also yearn for the change that we can make in our society.

Bright testimonies from people in the crowd closed the program. I felt inspired, realizing that God continuously changes us for the greater good. I dreamt to speak in front of people on how God has changed and will change me.

The I am Changed campaign is just the beginning.

Billboard Beauty

Standard

[Guest post! This is written by my good friend and fellow missionary Melinda Karla Ramo. She is an amazing person whose resilience and joyful, pleasing demeanor belies her rather small stature.]

Lumaki ako sa paniniwalang hindi ako maganda. At alam kong hindi ako nag-iisa. Sa tuwing titingin ako sa salamin, nakikita ko ang isang dalagang pinaunat ang buhok, pinudpod ng pampaputi ang balat, kinalyo ng high heels ang talampakan, pinapayat ng diyetang nagpapaliit ng tiyan. Kabilang ako sa nakararami. At habang hindi ko pa nagiging kamukha ang hinahangaang artista, hindi ako makukuntento.

Malungkot kong aalisin ang tingin ko sa salamin, lalabas ako ng bahay at titingalain na lang ang mga naggagandahang babae sa mga billboard. Tititigan nila ako pabalik na tila sinasabing, “Pwede mo rin kaming maging kamukha.” Mapapangiti ako sa ideyang maaaring tama nga iyon.

 

 

Nagsimula ang lahat noong ako ay bata pa. Bilang madalas na pinakamaliit sa klase, tampulan ako ng tukso noong elementarya. Bukod kasi sa aking taas (o ang kawalan nito), madalas ko maramdaman na ako ay “pangit”. Titingin ako sa salamin at makikita ko ang rason: magulo at sabog ang kulot kong buhok, maitim ang aking balat at pango ang aking ilong.

Noong high school ako, mas lalo pang tumindi ang hikayat ng pagpapaganda.Sa isang kapaligiran kung saan ang kagandahan ay nasusukat sa dami ng iyong manliligaw o sa kung ano ang sasabihin tungkol sa iyo ng ibang tao, mahirap magpahuli.Naniwala akong mataba ako kahit noong mga panahong iyon ay wala pa akong 50 kilos.Sinubukan ko magpapayat.
Pagdating ko ng kolehiyo, mas sinubukan ko pa ang pagpapapayat. Sinasadya kong hindi kumain ng tanghalian. Hanggang sa mabilis na bumaba ang timbang ko. Napansin ko na lang na parang may mali nang magsimula nang magtaka ang mga tao sa paligid ko. “Ano nangyari sa iyo?” “May sakit ka ba?” “Umamin ka, may cancer ka ano?” Ipinagtataka ko ang mga komento ng ibang tao.

 

Titingin na lang ako sa salamin at tatayo sa timbangan, malalaman ko na ang rason. Mula sa halos 50 kilos noong high school, bumaba ang timbang ko sa kulang kulang na 40 kilos na lamang.

4th year higschool vs. 4th year college

4th year higschool vs. 4th year college

 

Hindi lang ang timbang ko ang pilit kong binago noon, pati ang kulay ng aking kutis, ang kulot kong buhok at ang aking kaliitan. Bilang solusyon, nagpaunat ako ng buhok, nagpaputi ng kutis, at uminom ng pampatangkad (na hindi epektibo sa akin).  Lahat ng ito sa ngalan ng “kagandahan”.

Batid kong hindi na bago ang ganitong kaisipan. Marami ang may ganitong pag-iisip tungkol sa kanilang sarili. Ito ang nanghikayat sa aking magtanong, mag-interview at magsiyasat. Pakiramdam ko ako ay si Boy Abunda (girl version).

Bubukas ang ilaw. Ihahanda ang camera. Sisigaw ang direktor ng “Action!” Magsisimula ang palabas at papasok ako sa studio at sasabihin ang kaniyang tanyag na linyang,Kaibigan,usap tayo.” 

Makikita ko ang aking sarili, nakaupo sa magarang sofa, kaharap ang isang kaibigan.

___________________________________________

 

Lights.Camera. Action!”

Nasa entablado ako kasama ang kaibigang si Alliana*: “Sa tingin mo ba ikaw ay maganda?”Isang iling ang nakuha kong sagot—iling na tila ikinakahiya ang sariling itsura. At kung tatanungin kung bakit, tila pareho kami ng tugon:Kulot kasi ang buhok ko, mataba at maitim dahil laging nasa labas.Hindi ko kapareho ang mga nasa ads sa TV at sa billboards.”

Tatango ang mga tagapanood. Maging sila ay ganoon din ang nasa isip.

 

Isa-isa silang magsasalita: “Pakiramdam ko ay hindi ako maganda,” sasabihin ng isang nanay, “dahil hindi na ako mukhang bata. Maghahanap na ng iba ang mister ko.” Muling tatango ang audience. Isang batang babae ang magtataas ng kamay:“Hindi ako maganda…” tatahimik ang audience, “…dahil hindi ko kamukha si Barbie. Walang ‘Ken’ ang lalapit sa akin paglaki ko.”

Bilang host ng programa, mapapangiti ako sa sinabi ng isang bata ngunit malulungkot ako dahil nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Kaya bago pa bumugso ang mga damdamin, magtatawag ako ng commercial break. “Cut!” sasabihin ng direktor.

Manatili ka sa telebisyon at makikita mo ang mga patalastas ng iyong paboritong telenovela. Ang mga bidang hinahangaan mo, halos iisa ang itsura: makinis ang mala-porselanang kutis, matangkad at maganda ang hubog ng katawan. Magtataka ka kung bakit karamihan sa mga modelo at artista ay may lahi o ‘half-half’ kung tawagin. Ilan na lang ba sa nakikita mo ang mukhang Pilipino talaga? Kakaunti na lang ang may morena o kayumanggi ang kutis. Bihirang-bihira ang mga maliliit o pango ang ilong. Kung may ganito man ay hinihikayat magpa-bleach, magsuot ng sapatos na mataas ang takong at magparetoke.Kung hindi naman, sa mga katulad nila napupunta ang mga karakter ng kontrabida, mga komedyante, o mga extra.

Kasunod nito, isusubo naman sa iyo ang mga produktong nanghahalina. Maputi at kumikinang na ngipin ang alok ng isang toothpaste. Mapapansin ka na sa wakas ng crush mo mo kapag ginamit mo ang “whitening, age-defying, skin smoothening” lotion na ito. Dagdag ganda-points daw kapag sinubukan mo ang isang pabango na ginagamit din ng paborito mong leading lady. Iisa ang nakukuha mong mensahe: Gusto mo maging katulad nila? Ayusin mo ang sarili mo. Gamitin mo ang produktong ito!

Lights. Camera. Action!”

Balik na tayo sa palabas. Nakaupo naman ako ngayon sa parehong magarang sofa, kaharap ang isang kaibigan sa midya, si Kira*.

 

Magsisimula ako ng linya. “Narinig natin kanina ang audience. Pakiramdam nila ay hindi raw sila maganda. Bakit? Hindi unat ang kanilang buhok. Hindi na sila mukhang bata. Hindi maputi ang kanilang kutis. Hindi nila kamukha ang hinahangaan. Alam mo bang malaki ang epekto dito ng industriyang kinabibilangan mo?” Tatango si Kira. Alam niyang malaki ang papel ng midya sa paniniwala ng mga tao ukol sa kanilang kagandahan.

Magsisimula siyang sumagot,“Kasi unang-una, iniimpose sa kanila kung ano ang maganda.Kapag hindi ka maputi, pangit ka. May mali sa iyo. Dapat magpaputi ka. O kapag mataba ka, pangit ka, magpapayat ka dapat. Ayos lang sana kung health ang concern, pero hindi eh. Ang nangyayari, iyong consumer, bibili ng product na iyon hindi para sa health niya kundi para magkaroon ng confidence or ma-attain iyong standard na imposed sa kanila ng media.”

Dove Campaign for Real Beauty

Dove Campaign for Real Beauty

 

Sari-saring reaksyon ang manggagaling sa studio audience. Maging sila ay nahikayat din ng midya sa iba-ibang paraan.

 

Babalikan ko ang pakikipanayam kay Kira.“Pamilyar ka ba sa kampanya ng Dove noong 2004? ‘Campaign forReal Beauty’ ang ibinansag nila dito.” Tatango siya. Mananahimik ang audience. Ipapakita ang istadistika sa screen at muli kong babasahin ang script. “Alam niyo ba na sa lahat ng lumahok sa kampanyang ito sa buong mundo, 2% lamang ang nagsasabing sila ay maganda?” sambit ko nang may kalungkutan sa tinig (para madrama). “Gayunpaman, 81% ang naniniwalang hindi makatotohanan ang pamantayan ng kagandahang ipinapakita sa midya. At 75% ang nagnanais ng pagbabago sa paraan ng pagpapakita ng midya ng kagandahan.” 

 

Papalakpak at hihiyaw ang audience sa pagsang-ayon.

Ibabaling ko ulit ang atensiyon kay Kira.“Ano ang maipapayo mo sa mga manonood tungkol dito?” Aayusin niya ang mikropono at sasabihing, “Huwag kayong magpapauto sa sinasabi ng media. Maganda kayo. Hindi niyo lang nakikita iyon kasi kung anu-anong konsepto ng kagandahan ang ipinapasok sa inyo ng mundo. Hindi ninyo makikita iyong kagandahan na iyon kung hindi niyo matututunang mahalin muna ang sarili ninyo.“

Papalakpak ang audience. Ngingiti si Kira sa camera. Kakamayan ko siya. Sisigaw ng “Cut!”si Direk. Titigil ang camera. Papatayin ang ilaw. Tapos na ang programa.

Tapos na rin ang ilusyon.
_____________________________________

 

 

Totoo ang mga panayam ko kanila Alliana at Kira (hindi nila tunay na pangalan). Hindi nga lang ako sigurado sa reaksyon ng audience tungkol sa mga sinabi nila. Palakpakan at hiyawan ba ng pagsang-ayon ang itutugon nila? Hindi ko masasabi.

Nakita ko kung gaano kalawak ang kahulugan ng kagandahan. Naisip kong ang konsepto ko ng ‘maganda’ ay nakabase sa kung anong depinisyon nito ang papaniwalaan ko. Naisip ko lang, kung ang depinisyon ng midya ang susundan ko, dadalhin ako nito sa walang katapusang giyera laban sa sarili kong itsura. Mapanlinlang at masyadong mataas ang pamantayan nito at isang bahagi lamang ng realidad ang ipinapakita: isang pantasyang ang pisikal na katangian ay perpekto at laging nasa ayos. 

Sa paghahanap ko, nakita ko ang sagot sa Bibliya:“Your beauty should not come from outward adornment, such as braided hair and the wearing of gold jewelry and fine clothes. Instead, it should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God’s sight.” (1Peter3:3-4).

Madali tayong pinapaniwala ng midya na ang katawan ng tao ay isang proyekto na dapat gawing perpekto at ang sinumang hindi papasa sa pamantayan nito ay dapat gumawa ng paraan. Makapangyarihan ang midya at alam nila ito. Kaya naman, ginagamit nila ang kapangyarihan nilang makapanghikayat upang ibenta sa atin ang isang pantasya ng kagandahan at ang mga ‘paraan’ upang makamit natin ito. Dapat maging mulat tayo na hindi lahat ng nakikita natin sa midya ay ang mukha ng realidad.

 

Ngunit sa kabila nito, nakakalungkot isipin na ang mga kalalakihan at kababaihan ay naniniwala sa pantasyang inihahain ng makapangyarihang industriyang ito. Hinuhusgahan nila ang kanilang sarili base sa pamantayang idinidikta nito sa kanila.

Iyon ang kinalakihan kong paniniwala. Alam kong hindi ako nag-iisa. Sa tuwing titingin ako sa salamin, nakikita ko ang isang dalagang pinaunat ang buhok, pinudpod ng pampaputi ang balat, kinalyo ng high heels ang talampakan, pinapayat ng diyetang nagpapaliit ng tiyan. Kabilang ako sa nakararami.

Malungkot kong aalisin ang tingin ko sa salamin, lalabas ako ng bahay at titingalain na ang mga naggagandahang babae sa mga billboard. Tititigan ko sila ngunit hindi na nila ako titignan pabalik. Mapapaisip na lang ako na sila na nasa billboard ay hindi buhay. Mga pantasya lamang sila na iginuhit ng isang makapangyarihang industriya. Doon ko na lang maiisip na sana ay hindi na lang ako naniwala sa sinabi nila.

Kaya naman, sa halip na sila ang tingalain, titingala na lang ako sa langit at tatandaan ang nabasa ko sa salita ng Diyos at doon ko sasabihing, “Oo nga. Ako nga ay maganda.”

At hindi ko na kailangan humanay sa mga babae sa billboard para patunayan iyon.

 

 

"The next time you worry about how long your lashes are or how manicured your nails look, remember that He took LASHES for your lashes and NAILS for your nails. He made you in His image. You are beautiful." -Anonymous <3

“The next time you worry about how long your lashes are or how manicured your nails look, remember that He took LASHES for your lashes and NAILS for your nails. He made you in His image. You are beautiful.” -Anonymous ❤

 

 

 

 

 

BIBLIOGRAPHY

“Beautyand the Body Image in Media.” MediaAwareness Network.http://www.media-awareness.ca/english/issues/stereotyping/women_and_girls/women_beauty.cpm

Revis,Layla. “Beauty and the (Media) Beast.” HuffPost Style. http://www.huffingtonpost.com/

layla-revis/beauty-and-the-media-beas_b_82908.html

“TheMedia Effects on Eating Disorders Around the World.” LouisianaState University.http://www.lsu.edu/faculty/jwither/Essays/Health/Anonymous1_Essay.html

*wriiten for PanPil 19, March 2012